74

By

Wallet na may lamang P33K, isinauli ng pulis

Pinuri ang isang parak dahil sa pagiging mabuting ehemplo matapos ibalik sa may-ari ang napulot niyang wallet sa loob ng terminal sa Batangas Port.

Nakita ni Police Lt. Rashid Jabbar Gozon, ng Police Regional Office MIMAROPA, Regional Mobile Force Battalion, ang wallet sa ilalim ng upuan sa loob ng pantalan habang naghihintay na makasakay siya sa barko patungong Calapan City.

Hinanap niya ang may-ari ng wallet gamit ang public address system sa naturang lugar subalit walang tumugon.

Binuksan umano ni Gozon ang wallet at may nakita siyang company ID na nakapangalan sa isang Roy Soriano Lacsa, residente ng San Carlos, Rosario, Batangas at purser officer ng Montenegro Shipping Lines Inc.

Naglalaman ang wallet ng P33,000 peso bills; dollar bills na $10 at iba pang personal na gamit ni Lacsa.

Kinontak ni Gozon si Lacsa at nakipagkita sa headquarters ng PRO MIMAROPA para maibalik ang wallet.

Samantala, nagpasalamat naman si Lasca sa katapatan ng pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?