108

Walang tubig! Mga taga-Tagaytay nainis sa Prime Water

“Magpatubig naman kayo!’ – ang himutok ng mga residente ng Tagaytay sa Prime Water ni dating Senador Manny Villar.

Humina kasi ang suplay ng kanilang tubig sa kasagsagan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal at pagbuga nito ng heavy ashfall hanggang sa mga kalapit-probinsyang Cavite at Laguna.

Sa social media naglabas ng himutok ang mga residenteng walang flowing water sa kanilang mga kabahayan.



Merong nagkumpara ng Prime Water sa Manila Water na nagpadala ng ilang tangke ng tubig para sa mga nasalantang Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?