1,350

By

Walang special meaning! Parehong jersey 3 nina Julia, Gerald, dinepensa ni Marjorie

Wala umanong espesyal sa pagkakapareho ng jersey number nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa Star Magic All-Star Games na ginanap Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Paliwanag ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto, hindi umano dapat palakihin ang isyu dahil matagal nang ginagamit ng kanyang anak ang jersey number 3.

“Let me correct this before the story gets big and out of hand again. Number 3 has always been Julia’s jersey number since her high school varsity days. No special meaning,” saad sa reply ni Marjorie sa patama ng isang netizen.

Matatandaan na nagkaroon ng kontrobersya sa pagitan ng dalawa matapos ituro si Julia na dahilan ng breakup nina Gerald at Bea Alonzo.

Bumalikwas naman si Julia at sinabing hindi umano niya dyowa si Gerald.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?