37

By

Walang sisingit na ‘pork’ sa 2019 national budget – Palasyo

Ginagarantiyahan ng Malacañang na magiging ‘pork free budget’ ang 2019 national budget.

Tugon ito ng Palasyo kay Senador Panfilo Lacson kaugnay sa kahilingan nito na i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakasingit na pork barrel fund sa 2019 national budget.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na bubusisihin ng Office of the President ang bawat items ng final report ng Bicameral Conference Committee sa pambansang budget.

Hindi aniya malayong gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power kapag may makitang pondo na hindi naaayon sa batas, partikular ang mga hinihinalang pork barrel insertions ng mga mambabatas.

“Kami sa Executive branch will go through each and every page of the budget, we will go through each and every item and certainly the President has the power to exercise his line item veto, and if there’s anything illegal or irregular there, the President will know what to do,” ani Nograles.

Ayon kay Nograles, nagawa na ito ng Pangulo sa nakaraang national budget dahil ayaw nito na makuwestiyon pa sa Korte Suprema lalo na sa isyu ng pork barrel.

Sinabi ng kalihim na titiyakin nilang malinis at legal ang gagamiting pondo ng gobyerno para sa taong ito para maayos na mapakinabangan ng sambayanan.

“We want this budget clean and we want this implemented so that we all understand how important the budget is to boosting our economic growth and translating that to programs, activities and projects that will go down to the benefits of the citizens,” dagdag pa ni Nograles.

Magugunitang ang isyu ng pork barrel insertions ng mga mambabatas ang dahilan kaya nabalam ang pagpapatibay ng 2019 National Budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?