308

By

‘Walang sexual harassment complaint na inihain sa Ateneo’, pinalagan ng biktima

Nagbigay ng update ang Ateneo de Manila University hinggil sa isyu ng sexual harassment na kinasasangkutan ng mga propesor ng unibersidad.

Oktubre 15 nang magsama-sama ang mga estudyante ng Ateneo para iprotesta ang sexual misconduct ng mga propesor na sina Mary Thomas, Jade Principe at Migoy Lizada.

Sa inilabas na statement sinabi ni Ateneo president Jose Ramon Villarin na prinoseso na ng kanilang Committee on Decorum and Investigation (CODI) ang lahat ng formal complaints ng sexual harassment batay sa Anti-Sexual Harrasment Policy.

Lahat aniya ng kasong inihain sa CODI ay nagresulta sa sanctions.

Pitong formal complaints ang inihain sa CODI simula nang maitatag ito, lima rito ay nagresulta sa pagkatanggal sa trabaho ng mga sangkot.

Lumabas din umano na walang formal complaints para sa sexual harassment laban kina Thomas at Principe.

Pinalagan ito ng netizen na si Patricia Escalante.

Aniya, naghain siya ng kaso laban kay Principe noong 2016 at nagbigay na ng desisyon ang institusyon tungkol dito kaya pinagpapaliwanag nito ang Ateneo kung bakit sinasabing walang official charges na inihain kaugnay ng sexual harassment. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?