478

Apr 6, 2020 @ 9:44

Walang quarantine pass: Kelot hinampas ng tanod sa leeg

Isang tanod ang sumugod at namalo ng stick sa leeg ng isang motorista, matapos igiit ng huli na tumawid sa isang checkpoint sa Barangay Dalig sa Antipolo.

Nakikipag-usap sa isa pang bantay ang lalaki na walang bitbit na quarantine pass, at nang hinampas ang harang na tali ay sinugod na ito ng nagngangalang “Bong” at hinampas.

Kinailangan pang awatin ang tanod na umamba pa sa ‘di natukoy na mamamayan.

Maraming kumampi sa tanod at sinabing dapat sumunod sa protocol ng gobyerno, pero marami ring nagsabi na maling gumamit ng dahas bilang sagot sa mga mamamayan.

u/grinsken sa Reddit: “Sana inawat na lang muna. Tang ina dahas talaga agad ang sagot”

u/imprctcljkr: “Ganyan dito sa Pinas. Bigyan mo ng kaunting kapangyarihan, aabusuhin.”

Michael Abalos sa Facebook: “👏Good Job Brgy. Tanod!
It’s bad pero the violator deserve it!”

Mikhaila Justine: “Buti sa kanya,kulng pa yon!ang hirap karamihan sa atin,mahirap pa tayo,mahirap rin pa sundin sa batas kong anong mangyari gobernao ang sisihin kaagod.”

People in FB are even siding with the Tanod, saying that ”he’s right because pasaway at matigas ang ulo", disgraceful. This is abuse of power. from Philippines

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?