71

Feb 9, 2020 @ 17:10
By

Walang nasaktang Pinoy sa pamamaril sa Thailand

Walang nasaktang Pilipino sa pamamaril sa isang mall sa Nakhon Ratchasima, Thailand nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa Provincial Office of Public Health, sa isang ulat, 20 ang kabuuang bilang ng mga nasawi habang 42 ang sugatan nang magpaulan ng bala si Cpl. Jakrapanth Thomma, 32, sa Terminal 21 shopping mall sa Muang district.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Thailand na walang nasaktan o nadamay na Pilipino sa pamamaril.

“We offer our prayers and solidarity with our Thai brothers and sisters in this time of grief,” hayag ng Embahada sa isang pahayag ngayong Linggo, Pebrero 9.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, anim na Pinoy ang nilikas sa nasabing mall, bandang alas-dos ng madaling-araw, Linggo.

Papunta na rin umano si First Secretary at Consul General Val Roque sa mga nasagip na Pilipino mula sa mall, ayon sa naturang Philippine Embassy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?