68

By

Walang nakalusot na P6.8B shabu sa Customs – Lapeña

Kinontra ng Bureau of Customs ang pahayag ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may nakalusot na P6.8-B na halaga ng shabu sa Bureau of Customs.

Sa pagdinig ng House dangerous drugs committee, nilinaw ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na base sa isinagawang laboratory examination ay negatibo sa shabu ang apat na metallic container na natagpuan sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Sabi ni Lapeña, walang basehan ang PDEA para sabihing nalusutan ang Customs.

Paliwanag naman ni Atty. Ruel Lasala, deputy director for operations ng PDEA, kapwa K9 units nila ang nagproseso ng natagpuang P4.3-B na halaga ng shabu sa Manila International Port at sa natagpuang magnetic lifters sa lalawigan ng Cavite.

Umupo anya ang kanilang K9 units sa parehong shipment dahilan para panghinalaang iligal na droga ang kargamento.

Bukod dito, iisa anya ang nakalagay na consignee sa bill of lading na kanilang nakuha kaya naniniwala silang shabu rin ang laman nang sa Cavite.

Nanindigan si Lasala na lahat ng sirkumstansya ay nagpapakita na iligal na droga ang laman ng mga ito gaya ng nasabat sa Manila International Container Port (MICP). ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?