107
Walang masakyan! Mga tao sa EDSA, Makati, Las Piñas, Parañaque lakad mode
Mar 17, 2020 @ 16:37
By

Walang masakyan! Mga tao sa EDSA, Makati, Las Piñas, Parañaque lakad mode

Maluwag ang mga kalsada sa area ng Makati, Las Piñas, Parañaque at sa kahabaan ng EDSA subalit makikitang ang mga tao ay naglalakad na lamang para makarating sa kanilang patutunguhan dahil sa walang biyahe ng mga bus, jeppney at iba pang transportasyon dahil sa enhanced community quarantine.

Sa kahabaan ng Ayala corner Makati Avenue ay wala na ring makikitang mga commuter dahil sa wala ring bumibiyaheng mga transportasyon sa naturang lugar.

Habang sa kahabaan ng Sucat, Parañaque City ay wala na ring mga bumibiyaheng mga jeep at anumang mga transportasyon dahil sa pinagbawalan munang bumiyahe ang mga ito.

Alas-10:00 ng umaga naaktuhan ng Abante ang isang mobile car ng Parañaque City Police na isinakay ng mga pulis sa kanilang sasakyan ang ilang mga commuters para gamitin sa paghatid at sundo dahil sa kahit anong transportasyon sa nasabing lugar ay wala nang bumibiyahe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?