118

By

Walang mas mataas sa batas – Palasyo sa pag-aresto kay Rappler CEO Ressa

Dumistansiya ang Malacañang sa ginawang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa kaugnay sa kasong cyber libel nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iginagalang ng administrasyon ang Hudikatura, partikular sa paghawak nito sa mga kasonh nakasampa sa mga korte.

Ang pagpapaaresto aniya kay Ressa ay may basehan mula sa reklamong idinulog ng nagreklamo sa korte.

“This Administration has always respected the Judiciary on how it handles cases pending before its courts. We therefore refrain from interfering in its own present affairs,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na hindi dapat gamitin ng mga kritiko at mga supporter ni Ressa ang isyu ng freedom of expression dahil walang kuneksiyon ito sa batas na nilabag nito.

Dapat nga aniyang gamitin ni Ressa ang pagkakataon para ibigay ang panig at idepensa ang sarili sa korte.

“Freedom of expression, as critics of this Administration erroneously suggest, is absolutely unrelated with Ms. Ressa’s probable violation of the country’s laws. Ms. Ressa should, in fact, welcome this as an opportunity to defend herself and be heard before the court of law,” dagdag pa ni Panelo.

Binigyang-diin ni Panelo na mayroong umiiral at sinusunod na batas sa bansa at walang sinomang nakahihigit nito, kahit pa ang aniya ay “self-anointed crusading journalists”.

“We are a country of laws and every citizen must adhere to the rule of law. No one is above the law, not even high profile self-anointed crusading journalists. Whatever the outcome is, it must be respected by everyone for such is the law. This is how the rule of law works,” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?