1,123

By

Walang kusa! Isko pinaaalis na ang mga street vendor sa Divisoria

Dahil dismayado si Manila Mayor Isko Moreno sa nakitang tambak-tambak na basura sa Divisoria sa kanyang surpresang paglilibot, tatanggalin na nito ang mga street vendor sa Ylaya, Binondo.

“Hindi ba kayo nahihiya o talagang baboy kayo sa bahay? Kailangan ko pa kayo sorpresahin? Pinaghahanapbuhay ko na nga kayo eh. Wala, walang kusa,” himutok ng alkalde, sa ulat ng Manila Public Information Office sa Twitter, Nobyembre 11, 2019.

Kamakailan, pumayag si Moreno na magtinda ang ilang vendor sa Divisoria basta susunod sa ilang kondisyon, gaya ng dapat 1 meter by 1 meter lang ang sasakupin ng kada tindahan at dapat makadaan pa rin ang mga sasakyan sa kalsada ng Divisoria.

Ngunit ngayong Lunes, matapos ang surpresang inspeksiyon kaninang alas-5:30 ng umaga, binawi niya na ang pagpayag at sinabing tatanggalin na ang lahat ng vendor sa Ylaya Street (Binondo side) dahil umano sa kapabayaan nila na panatilihing malinis ang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?