84

By

Walang kapantay! Yulo pinitas ang ikalawang ginto sa gymnastics

Nananatiling walang dungis si Carlos Yulo sa 2019 Southeast Asian Games sa pagdomina sa men’s floor exercise.

Sa nasabing event, pinakita ni Yulo kung bakit siya ang 2018 world champion sa nasabing event nang halos walang lumapit sa iskor ng 19-year old gymnast.

14.700 points ang hatol kay Yulo, malayo sa 13.833 ng pambato ng Thailand na si Surinthornta Tikumporn na silver medalist, at 13.767 ni Mat Asri Zul Bahrin.

Samantala, pumwesto naman sa ikalimang pwesto si Reyland Capellan na pambato din ng ‘Pinas.

Ito ang ikalawang gintong medalya ni Yulo sa 30th SEAG, nagwagi sa all-around men’s event noong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?