118
doh
By

Walang gamot sa polio – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na walang gamot o lunas sa polio.

Maaari lang umano itong maiwasan sa pamamagitan ng multiple doses ng polio vaccines na napatunayan nang ligtas at epektibo.

Nitong Biyernes kinumpirma ng ahensiya ang ikalawang kaso nito sa Laguna matapos unang magkaroon sa Lanao del Sur.

Isang 3-anyos na batang babae ang unang kaso ng polio mula sa Lanao del Sur habang 5-anyos na lalaki na taga-Laguna naman ang ikalawa umanong polio case.

Pinayuhan naman ng DOH ang mga magulang, lalo na ang mga may anak na edad 5-anyos pababa, na pabakunahan ang mga ito sa synchronized oral polio immunization program na ilulunsad sa susunod na buwan.

“It is the only way to stop the polio outbreak and to protect your child against this paralyzing disease. Aside from immunization, we remind the public to practice good personal hygiene, wash their hands regularly, use toilets, drink safe water, and cook food thoroughly,” ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?