303

By

Walang forever sa Jollibee! KFC muna kami – mga netizen

Dahil matatag ang real-life celebrity couple and endorser “KathNiel” (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), sa fast food company KFC daw muna kakain ang mga netizen.

Nag-break na kasi ang “JoshLia” (Joshua Garcia at Julia Barretto) at “JaDine” (James Reid at Nadine Lustre), maging ang “AshRald” (Sarah Geronimo at Gerald Anderson) na mga naging endorser ng Jollibee.

“AlDub” (Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza) naman ang naging endorser ng McDo.

Nilabas nitong Lunes ng gabi, Enero 20, 2020, sa “Tonight with Boy Abunda” ang joint statement nina Nadine at James kung saan sinabi nilang kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?