830
Walang class! Devance, ilang sports personality binanatan si Arwind sa ‘unggoy’ gesture
Aug 15, 2019 @ 16:24
By

Walang class! Devance, ilang sports personality binanatan si Arwind sa ‘unggoy’ gesture

Sentro ng atensyon ngayon ang ginawang pang-aasar ni San Miguel forward Arwind Santos kay TNT KaTropa import Terrence Jones.

Sa huling minuto ng Game 5 ng TNT kontra San Miguel, makikita ang paggaya ni Santos sa unggoy habang nakatingin si Jones.

Nang matanong ang SMB forward tungkol dito, sabi niya’y parte lamang ito ng mind games at hindi siya magso-sorry sa nagawa.

Kinontra naman ng Ginebra veteran na si Joe Devance ang naging pahayag ni Santos.

Ayon naman kay Dino Marangay, sports writer ng Philippine Star, mas matindi pa ang racial gesture ni Santos kaysa kay Abueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?