29

By

Walang brownout sa mga lugar na hindi apektado ni ‘Tisoy’ – Meralco

Nilinaw ng Manila Electric Company (Meralco) na hindi nila puputulin ang supply ng kuryente sa mga lugar na hindi apektado ng bagyong Tisoy.

“Please note that WE WILL NOT shut off power to any unaffected area,” saad ng Meralco sa Facebook post.

Tugon ito ng Meralco matapos kumalat ang mga text message sa social media na puputulin ng kumpanya ang power supply dahil sa bagyo.

Alas-11:00 ng gabi noong Lunes, Disyembre 2 nang mag-landfall sa Gubat, Sorsogon si “Tisoy”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?