69
Wala palang permit! Isetann nanganganib isara
By

Wala palang permit! Isetann nanganganib isara

Posibleng tuluyang ipasara ang Isetann Mall sa Recto, Manila matapos madiskubre ni Manila Mayor Isko Moreno na walang business permit ang naturang establisimiyento.

Sa panayam ni Moreno sa CNN Philippines, sinabi nito na kanyang pagpapaliwanagin ang Isetann sa kakulangan ng dokumento, at kung hindi makapag-esplika ay nahaharap sa posibleng pagsasara.

“Of course, they cannot do business without permit in Manila,” ayon kay Moreno.

Ayon sa Manila Bureau of Permits and Licensing Office, hindi pa nakakakuha ng business permit ang Trans Orient Management Company, ang operator ng Isetann, ngayong taon.

Una nang nagbigay-babala si Moreno noong nakaraang buwan na ipasasara ang Tutuban Mall at Isetann Mall sa Recto kung mapatutunayang nagkukubli ang mga ito ng tindero ng mga nakaw na cellphone.

Matatandaang nasa 148 cellphone ang nakumpiska sa nasabing mall matapos ang ginawang pagsalakay ng MPD Special Mayor’s Reaction Team noong Setyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?