58

By

Wala nang dapat patunayan! Manny pinagreretiro na ni Jimuel

Handa si Jimuel Pacquiao na suportahan anuman ang maging desisyon ng kaniyang ama, pero kung siya ang tatanungin, gusto na niyang magretiro ito sa boksing.

Aniya, 40-anyos na ang Pambansang Kamao at wala na itong dapat pang patunayan dahil isa na siyang legend.

“For me he can actually stop na. I mean he’s 40 and he has nothing to prove. He’s already a legend in boxing. But I’ll support him in whatever he does, whatever his choice is,” sambit ni Jimuel sa Unang Balita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?