335

Wala na bang ibang masulat? Mocon nabanas sa article tungkol kay Bolick

Nainis ang dating kampi ni Robert Bolick sa San Beda na si Javee Mocon sa isang column sa local sports site.

May pamagat na “One more lesson for young Bolick: Don’t make a promise you can’t keep”, ito ay tungkol sa naging laban ng Gilas kontra Tunisia kung saan dineklara ng national team newcomer na kanilang ipapanalo.

Ngunit iba ang kinalabasan ng laro, 86-67, pabor sa Afrobasket champs.

Tila hindi nagustuhan ng Rain or Shine rookie na si Mocon ang anggulo ng pagkakasulat at sinabi pang ‘stupid’ ito.

“Seriously?? Got nothing else to write about?? This is stupid!!” ayon kay Mocon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?