698

By

Wala man lang pasabi! Mga NBA star nagulantang sa Leonard-George tandem ng Clippers

‘Silent but deadly’ – ‘yan ang perpektong paglalarawan sa Los Angeles Clippers matapos nitong gulantangin ang buong NBA sa pagsungkit pareho sa posibleng best two-way players ng liga na sina Kawhi Leonard at Paul George.

Nitong Sabado, Manila time, ay nagsimula nang mag-ingay ang Clippers matapos manahimik sa kabuuan ng free agency period, biglang pinasabog ang bomba na gumawa ng pinakamalaking ingay ngayong offseason.

Nasungkit ng Clippers si Leonard, na kakatapos lang sungkitin ang kampeonato para sa Toronto Raptors, habang ninakaw naman si George sa Oklahoma City Thunder kapalit ang nasa anim na first round picks at sina Shai Gilgeous-Alexander maging si Danilo Gallinari.

Sa Twitter, nagsimula na ring mag-ingay ang karamihan sa mga NBA star na nabigla sa pasabog ng LA Clippers na biglang naging top contender para sa Larry O’Brien trophy.

“This is the quietest heist I’ve ever seen!!!!!!!!!!!” ayon kay Phoenix guard Jamal Crawford.

“man im going to sleep wtf just happened how pg [Paul George] get involved,” ayon naman kay Fil-Am Cavaliers sixth man na si Jordan Clarkson.

““Russ gonna average 36/13/11,” prediksyon naman ni Cavaliers star Kevin Love dahil sa paglipat ni George, inaasahan din na magiging kaaabang-abang ang bagong rivalry sa pagitan ng Lakers at Clippers.

“Now that’s what I’m talking about!!!The NBA man!!!!!” sey naman ni Miami Heat legend Dwyane Wade, na natuwa sa naging player movement ng liga.

Sa July 6 (7 sa Pilipinas) ay maisasapormal na ang mga trades at signing sa opisyal na pagbubukas ng transaksyon sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?