46

May 23, 2020 @ 13:14
By

Wala daw alam! Fontana hugas-kamay sa iligal na Chinese hospital

Dumepensa ang Fontana Development Corporation sa natuklasang iligal na medical facility para sa mga Chinese na suspetsang tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa resort and complex na pagmamay-ari ng gambling tycoon na si Jack Lam, wala umano silang kontrol sa operasyon ng nasa loob ng kanilang resort.

“Fontana has no control over the property or the operations therein. In fact, Fontana casino, junket and hotel operations have long been suspended. Fontana has zero operations at present,” ayon sa pahayag ni FDC assistant general manager Simon Wu.

Sumulat na rin umano ang Fontana sa Clark Development Corporation para paalalahanan na bawal ang illegal activity sa kanilang resort.

“Fontana fully and wholeheartedly supports the Philippine Government in its battle against COVID-19 and in the implementation of any other government program,” ayon pa kay Wu.

Pinasara ng Clark Development Corporation ang Fontana matapos na madiskubre ang iligal na pagamutan para sa mga Chinese patient na hinihinalang tinamaan ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?