394

By

Wala akong utang sa mga kaalyado ng administrasyon – Poe

Wala umanong pagkakautang si reelectionist Senator Grace Poe sa mga kaalyado ng administrasyon para siya ay maging sunud-sunuran sa mga ito sa kabila ng takot na maging ‘less independent’ ang Senado dahil sa napipintong pagkapanalo ng mga kandidato ng Pangulo.

“I think I can say that I am one of those who balance [out the Senate],” saad ni Poe sa mga reporter bago ito bumoto sa Sta. Lucia Elementary School sa San Juan City kahapon (Mayo 13).

“If the administration’s policies are good, why not? I’m even among those who push [its] agenda forward.”

“But if I see that [their stand on issues] is questionable, then I don’t owe them anything for me to follow [them],” dagdag niya.

Samantala titingnan naman niya umano ang composition ng Senado bago magdesisyon kung pipiliin niyang maging bahaging muli ng mayorya.

“If you notice, the majority supports several administration-backed policies, but there are also some that we have turned down. And our current Senate President (Vicente Sotto III) respects that. Now, if the Senate President [is replaced], it’s a different discussion altogether,”

Saad ni Poe, kinokonsidera niyang maging bahaging muli ng mayorya kung mananatiling Senate President si Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?