517

By

Wala akong tiwala sa inyo! Durant nakipagsagutan sa media

Sharing is caring!

Matapos umilag sa mga interview ng lampas isang linggo, humarap na sa press people ang Golden State Warriors forward na si Kevin Durant.

At hindi naging kaaya-aya ang muli nitong pagpapaunlak ng panayam sa sports press.

Sa pagkapanalo ng kanyang koponan kontra sa San Antonio Spurs, 141-102, kanyang inilantad ang dahilan kung bakit umiiwas siya sa press.

“I just don’t trust y’all,” ayon kay Durant

“Every time I say something it’s getting twisted up and thrown out in so many different publications, try to tear me down with my words that I say,” ayon kay Durant. “So when I don’t say nothing, it’s a problem. I just want to play ball. I want to go to the gym and go home, that’s all. Is that a problem?”

Nag-ugat ito sa napabalitang posibilidad na pagkalas nito sa Warriors at lumipat sa New York Knicks sa susunod na season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?