18

By

Waiters mawawalan ng $834K sa suspensiyon

Hindi pa nga nakakapaglaro sa season si Dion Waiters, may bubunuin na siyang suspension.

Binagsakan ng Miami Heat ang guard ng 10-game suspension dahil sa ‘conduct detrimental to the team.”

Pangalawa na ito ni Waiters, suspendido rin noong season-opener.

Linggo ibinaba ang suspension, tatlong araw matapos mapaulat na nagkaroon ng medical emergency si Waiters sa charter flight ng Heat mula Phoenix patungong Los Angeles Huwebes ng gabi.

Ayon sa source ng The Associated Press, nakakain daw si Waiters ng cannabis-infused edible kaya sumama ang pakiramdam.

“We are very disappointed in Dion’s actions this season that include the very scary situation on Thursday night, and grateful that the outcome wasn’t worse,” anang statement ng Heat.

Kung kukuwentahin, aabot ng higit $834,000 ang mawawala kay Waiters dahil sa suspension na nagsimula sa talo kontra Lakers noong Biyernes.

Pinakamaagang puwede siyang bumalik sa lineup sa Dec. 1 sa pagdatyo ng Heat sa Brooklyn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?