32

By

Waiter dedbol sa binuhol na kumot

Winakasan ng 23-anyos na waiter mula sa hindi binanggit na hotel ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagsasakal ng kumot sa loob ng silid sa Novaliches nitong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ni PLt. Roldan Dapat, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktima na si Veejay Blas Hernandez, 23, binata, hotel waiter at residente ng Eduardo St., Dantes II Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Rhic Roldan Pittong, alas-5:45 ng madaling-araw (July 11) nang madiskubre ng inang si Aling Juliana na nakabulagta ang anak na si Veejay habang nakasakal ang pinagbuhol-buhol na kumot sa leeg nito at nakatali sa doorknob sa loob ng silid na nasa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Dahil dito ay nagsisigaw at tinawag ni Aling Juliana ang mister na si Mang Raymundo na siyang nagtanggal sa mahigpit na pagkakasakal ng kumot sa leeg ng binatang anak subalit wala na itong buhay.

Dahil dito ay agad na ini-report ng mag-asawa sa kanilang barangay at sa himpilan ng pulisya
ang pagbibigti ng anak.

Tumanggi naman ang pamilya na paimbestigahan pa ang ginawang pagpapatiwakal ng anak dahil kumbinsido umano sila na sadya nitong winakasan ang kaniyang buhay subalit hindi na nila idinetalye ang dahilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?