70
Durant ginagamit ng Knicks para sa ticket sales
By

Wais na strategy! Durant ginagamit ng Knicks para sa ticket sales

Tila may hidden meaning ang naging picture na ginamit ng New York Knicks para sa renewal information tab ng season pass sa kanilang tweet.

Sa napansin ni Twitter user na si @Paul_HQ, kanyang naispatan na tila sinadya ng Knicks ang paggamit ng litrato ni Durant para maengganyo ang mga miron na muling bumili ng season pass.

“Knicks are asking season ticket holders for renewals by Feb 28 and using this image to get them to opt in,” saad sa tweet.

Matatandaan na naging usap-usapan na nililigawan ng Knicks si Durant para sa susunod na offseason, ngunit sa isang naging interview ni Durant ay tila mapait ito sa paglipat sa NY.

“I got nothing to do with the Knicks. I don’t know who traded Porzingis. That got nothing to do with me. I’m trying to play basketball,” saad ng one-time NBA MVP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?