135

By

‘Wag n’yo akong idamay! Pokwang napamura sa manggagantso

Nagbabala sa kanyang fans ang komedyanang si Pokwang tungkol sa illegal recruiter na ginagamit ang pangalan niya.

Pinapangako ng naturang illegal recruiter na magiging parte ng entourage ni Pokwang sa Toronto, Canada sa April 2020 ang mga mare-recruit niya.

Galit na galit si Pokwang nang malaman ito at nagbanta na ilalabas niya soon ang identity nito sa publiko.

“WARNING!!! Wag nyo gamitin ang pangalan ko at palalabasin nyo na kasama sa entourage ko ang mga taong ipapasok nyo sa Toronto Canada sa darating na April!!!” aniya sa Instagram post.

“Malinaw na illegal recruitment yan!! Meron akong video ng taong ito at napakalinaw sa video na binanggit nya ang name ko na kunwari palalabasin nyo na kasama sa entourage ko ang na recruit nyo na kawawa naman magbabayad sa inyo???”

“Malapit kana sumikat wait lang ha!! Baka may mga kamag anak kayo na nag a apply ng student visa (sic) sa canada wag kayong maniwala soon ilalabas ko video ng mga taong ito!!” dagdag pa niya.

Tinakpan ni Pokwang ng mga angry face emoji sa kanyang post ang mukha ng umano’y illegal recruiter.

“‘Wag nyong gamitin name ko utang na loob! malinis akong naghahanap buhay para sa pamilya ko wag nyo akong idamay!!! Mga P%#tang ina nyo!!!” saad pa niya.

“Tigilan nyo yan meron akong video nyo na isang kaibigan ang nag forward sakin at concern!! at muntik nyo na sya mabiktima na hayop ka ang tanda mona manggagancho ka [pa] hayop ka!!” giit pa ni Pokwang

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?