513

By

‘Wag niyo kong husgahan! JK sumagot na sa pagmumura sa fan

Matapos mag-viral ng kanyang video kung saan maririnig ang pagmumura sa isang concert goer sa Rakrakan Festival 2019, nagsalita na si JK Labajo kaugnay ng issue.

Saad niya, hindi porke’t nagmura siya ay masama na siyang tao, inamin niyang napuno siya dahil sa kanyang inilarawan na ‘bastos’ at ‘walang modo’ na sumigaw ng ‘I love you, Darren’ sa kanyang set sa music fest.

Kanya ring pinatamaan ang mga media na isinulat ang nasabing insidente na hindi umano alam ang tunay na kwento. Hindi umano dapat seryosohin ang nasabing pagmumura niya dahil nagkakatuwaan lamang aniya sila ng kanyang bandmate.

Iba rin umano ang kanyang ugali sa stage at tunay na buhay at hiniling na ‘wag siyang husgahan dahil sa kumalat na video.

Unfair din umano ang trato sa kanya lalo’t ang ibang mga artistang nagmumura ay sinasabihan pang cute.

Narito ang buong statement ni JK na ibinahagi sa kanyang Instagram story.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?