57

By

‘Wag na sa Gilas, mag-model na lang! Kobe Paras pumalag sa basher

Sumalang na sa ensayo ang collegiate star na si Kobe Paras para sa Gilas Pilipinas, ngunit isang netizen ang hindi natuwa sa pagkakasama nito sa PH national team.

Ayon kay @iamloyk, dapat umano’y mag-withdraw na ang UP Maroons forward sa pool dahil puro pagmo-model na lang umano ang ginagawa nito.

Aniya pa, hindi naman daw a-attend sa practice si Kobe at hindi rin umano makakalusot sa final lineup.

“Kobe Paras needs to officially withdraw from the pool since it’s interfering with his professional modelling career. Im betting that this guy does NOT even Show up in practice and never play in any windows,” saad nito.

Sumagot naman si Kobe, napatanong kung may nagawa ba siya sa nasabing basher.


Nagbigay naman ng advice si Kiefer na huwag na lang pansinin ang basher dahil madalas din umano siya nitong banatan.

“He’s all over bro. Don’t mind him. Number 1 fan,” turo ng bagong Gilas captain kay Kobe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?