24

Mar 26, 2020 @ 13:04
By

‘Wag na maghintay ng COVID-19 test – Duque

Kung si Health Secretary Francisco Duque III ang tatanungin, hindi na dapat maghintay na magpa-test ang mga nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19.

Aniya, hindi naman umano gamot ang test kaya dapat lang na kapag nakaramdam na ng sintomas ay mag-ingat na at umaktong parang mayroon nang COVID-19.

“Okay naman ‘yung early detection pero unang-una, hindi naman gamot itong testing na ito. Ika nga kung alam mo na ‘yung sintomas, i-manage mo na as COVID-19,” saad ni Duque sa panayam ng dzBB.

“Dapat kung alam mo na na lahat ng indikasyon ay nandoon nagtuturo o nagsa-suggest na ito ay malamang COVID, bakit ka pa maghihintay ng test? Gawin mo na. You manage it already. Kalokohan ‘yung sasabihin natin ‘Wala pa ‘yung test eh.’ Anong wala pa ‘yung test? Gawin mo na. You assume, that’s the way to do it,” aniya pa.

Matatandaan na giniit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa ngayon ay hindi pa kakayanin ng Pilipinas ang mass testing dahil limitado pa rin ang bilang ng mga test kit ng bansa, na sinegundahan naman ni Duque.

“Ang mass testing ba kailangan bawat Pilipino i-test mo? 104 million iyon, palagay ko wala namang bansang makakagawa ng ganoong mass testing to the extent of the population of the country,” pakli nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?