92

Jan 8, 2020 @ 14:43
By

‘Wag munang mag-panic sa US vs Iran issue – BSP Governor Diokno

Hindi pa nababahala si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno sa magiging epekto sa presyo ng langis dahil sa sumisidhing tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Ayon kay Diokno, mararamdaman lang ang biglang pagsirit ng presyo sa Pilipinas kapag pumalo sa $90 o P4,583 ang kada bariles sa global market.

“It’s too early to panic,” ayon kay Diokno.

“The US will not allow the prices of oil go higher.”

Matatandaan na nag-ugat ang sigalot sa pagitan ng dalawang bansa ng patayin si top Iranian commander Qasem Soleimani ng US air strike sa Baghdad international airport.

Gumanti naman ang Iran ng paputukan ng mga rocket ang Al Asad airbase kung saan naging kampo ng mga US force.

Sa kabila ng namumuong armed conflict sa pagitan ng Iran at US, inaasahan pa rin na magiging tuloy-tuloy ang pag-usbong ng ekonomiya sa bansa.

“I think it’s more realistic to aim for 7% and that is not bad, that is still one of the fastest growing economies in the world,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?