376

By

‘Wag lang sana sa ABS-CBN shutdown! Mga artista magsalita din sa ibang isyu – Agot

Pinangaralan ng aktres na si Agot Isidro ang kanyang mga kasamahan sa industriya na sana’y maging aktibo rin sa ibang isyu ng Pilipinas, ngayong lumutang ang quo warranto case ni Solicitor General Jose Calida kontra ABS-CBN.

Ito’y matapos na magsalita ang mga artista mula ABS-CBN at GMA-7, na kahit rival network ay nagtutulungan para hindi tuluyang mawala sa ere ang una.

“The uproar over the Quo Warranto brought many personalities to speak up,” ayon kay Agot, na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Hopefully, they would also consider speaking out for the many other instances wherein our freedoms are being curtailed. Sana lang naman. #ItsTime.”

Isa si Agot sa mga artista na malayang nagpapahayag ng kanyang opinyon sa iba’t ibang isyu, tulad ng sa war on drugs ni Duterte, pati na rin ang naging kontrobersyal na P55-million ‘kaldero’ para sa 30th Southeast Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?