2,476

Nov 27, 2018 @ 12:59
By

‘Wag kang umastang parang Diyos! – Obispo kay Duterte

Pinalagan ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na humihimok sa mga Katoliko na huwag nang magpunta sa mga simbahan at sa halip ay maglaan na lamang ng lugar na pagdarasalan sa kanilang mga bahay.

Para kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ang namumuno ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, iresponsable at walang puso ang nasabing pahayag ng pangulo.

“Senseless statement just sowing division and creating false religiosity,” saad ni Santos.

Dagdag pa ng obispo, iginagalang at kinilala ng Panginoon ang ‘free will’ ng bawat isa.

Pasaring pa niya sa Pangulo, walang sinuman ang dapat na umasta na parang Diyos.

“So no one is not God, nor more than God to dictate our religious rights. Anyone who even holds the highest position in the land should never play like God, for it will just lead to disaster to all and disgrace of himself,” pagbibigay-diin ni Santos.

Paalala pa ng obispo, umiiral sa Pilipinas ang ‘freedom of religion’ at ito ay dapat na inirerespeto.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na dapat nagsisimba ang mga Katoliko para magdasal, sabay puna sa koleksyon ng simbahan para sa kasal, binyag at iba pang serbisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?