60
'Wag bumoto base sa partido! Mga beteranong senador pinangaralan si Bato
Mar 3, 2020 @ 15:14
By

‘Wag bumoto base sa partido! Mga beteranong senador pinangaralan si Bato

Pinaliwanagan ng ilang mga beteranong senador ang bagitong mambabatas na si Senador Ronald ‘Bato” Dela Rosa matapos maglabas ng sama ng loob nang makakuha ng majority vote ang resolusyon kung saan co-sponsor si Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos madismaya si Drilon dahil hindi ito makakuha ng unanimous vote sa isang simpleng resolusyon kagaya ng Senate Resolution No. 337 na naglalayong tanungin ang Korte Suprema hinggil sa papel ng Senado sa pagpapawalang-bisa ng isang tratado.

Labing-dalawang senador sa pangunguna ni Drilon na mula sa minorya ang ang pumabor sa nasabing resolusyon, walang negative vote at pito naman ang nag-abstain kabilang si Dela Rosa na pawang mga kaalyado ni Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Senador Panfilo Lacson, sa pagboto sa bawat isyung tinatalakay sa Senado, dapat aniyang dinidiktahan ng kanyang sariling konsensiya at isipin kung anong makakabuti sa bansa, sa intitusyon at hindi sa partidong kanyang kinaaaniban.

“While loyalty is a virtue, blind loyalty is simply just that – blind. Otherwise, we can no longer be the Senate of the people that we are supposed to be, but an expensive “rubber stamp” that our taxpayers have to sustain out of their hard-earned tax money,” sabi ni Lacson.

“Having said that, there is no reason to be saddened either way by the voting on Senate Resolution 337. That is democracy at work in the Senate,” dagdag nito.

Para naman kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kailangan manaig pa rin ang ‘conscience vote’ dahil iyon naman ang nararapat para maprotektahan din ang institusyong kanilang kinabibilangan.

“There are issues that we need to protect these institutions; to assert our right as a co-equal branch of government,” lahad ni Zubiri.

“I hope walang samaan ng loob pagkaganito. This is a conscience vote. Party lines may be different when we discuss the budget,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin pa ni Zubiri na ang kanyang boto sa naturang resolusyon ay hindi para kalabanin si Pangulong Duterte kundi protektahan ang Senado.

“Sana huwag tayo magka samaan ng loob, dahil ito po, para sa amin, ay para sa institusyon,” sambit ni Zubiri.

“My vote is not against the President but to protect our institution on future questions that may arise on future administrations, Mr. President,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?