20

By

Vucevic minadyik ang Orlando

Sa fourth quarter na nakuha ng Orlando Magic ang ritmo, pero nagawan pa rin ng paraan para pigilin ang Philadelphia 76ers 112-97 Miyerkoles ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season games.

Umiskor ng 25 si Nikola Vucevic, pitong players pa ng Orlando ang nagsumite ng double figures.

“It was good to see the offense finally click, especially in the fourth quarter when you need it the most,” ani Vucevic, nilista ang 12 markers sa final period.

Tumira ng 13 for 24 sa fourth ang Magic, sa kabila ay 6 of 19 at may pitong turnovers ang Sixers.

Umayuda ng 18 points at 13 rebounds si Aaron Gordon sa Orlando, may 12 points at 8 assists si DJ Augustin off the bench. ‘Di nilabas si Augustin buong fourth quarter nang ma-outscore ng Magic ang 76ers 32-15

Ipinahinga ng Sixers si center Joel Embiid na nananakit ang kaliwang tuhod.

Namuno sa Philadelphia ang 19 points ni Josh Richardson, may 18 points, 8 rebounds at 5 assists si Ben Simmons.

Pasok ang 11 sa first 16 shots ng Orlando, abante ng walo sa kalagitnaan ng first bago nanlamig. Sa 3-pointer ni Gordon sa halftime buzzer ay nagbuhol sa 53.

Dalawang dakdak ni Simmons ang nagpalamang ng walo sa Sixers sa kaagahan ng second half nang higit 5 ½ minutes na walang field goal ang Magic.

Nasa unahan pa ang Sixers 84-80 sa kaagahan ng fourth nang magbaon ng back-to-back 3s sina Terrence Ross at Evan Fournier na nagpasimula sa 18-3 run ng Magic para kontrolin ang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?