125
VP Leni hindi na kailangan ng high-value target list - Gamboa
By

VP Leni hindi na kailangan ng high-value target list – Gamboa

Hindi na umano kailangan ni Vice President Leni Robredo, co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), na bigyan ng listahan ng mga high-value target (HVT), ayon kay Philippine National Police (PNP) officer in charge Lt. Gen. Archie Gamboa.

Sa isang ambush interview kay Gamboa, sinabi nito na hindi naman umano importante kung may kopya o wala ng HVT ang Bise Presidente kumpara sa naunang ipinahayag na parte ito ng kanyang mandato bilang co-chairperson ng ICAD.

“When you say co-chairpersonship in ICAD, remember it is a collegial body and it’s supposed to be policymaking, you’re supposed to review, fine if you want to review the law enforcement campaign,” saad ni Gamboa.

“But would it really matter if you know who are on the list? Remember the PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) is the head of the law enforcement cluster. Whatever the head says, I would always respect it being a member of the law enforcement cluster, so yes, I adhere to what the PDEA director general says,” dagdag pa ng OIC ng PNP.

Matatandaang nag-request ng kopya ng HVT si Robredo kay PDEA Director General Aaron Aquino subalit hindi ito pinagbigyan dahil naglalaman ang nasabing listahan ng mga confidential na impormasyon.

Samantala, nagsalita rin si Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang nagbigay ng posisyon bilang co-chairman ng ICAD kay Robredo, at nagbabala na tatanggalin niya sa posisyon ang Bise Presidente sakaling ikalat nito ang sensitibong impormasyon na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa.

Subalit nanidigan si Robredo sa kanyang pahayag nitong Linggo na alam niya ang kaibahan ng transparency sa confidential information kaya pinipilit niya na kailangan niya na mabigyan siya ng listahan ng HVT para sa kanyang gagawing improvement sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?