57

By

VP Leni handang sumama sa mga anti-drug ops

Ikinasa na ang unang pagpupulong ni Vice President Leni Robredo at mga opisyal ng Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) nitong Biyernes.

Inimbitahan naman ni PDEA chief Director General Aaron Aquino ang Bise Presidente na sumama sa mga ginagawang drug operation para malaman umano nito ang nangyayari sa mga operasyon kontra droga.

“Challenge ko sa inyo ‘yun ma’am para at least makita n’yo rin kung paanong nagtatrabaho ‘yung ating mga law enforces sa baba and from there napi-feel n’yo how their work, kung meron mang mga lapses na nakikita kayo, kasi mas makikita n’yo sa aktuwal kaysa ‘yung may sinasabi si ganito o nababasa n’yo lang hindi n’yo mapi-feel kung totoo ba ‘yung sinasabi ni ganito o ni ganyan,” pahayag ni Aquino.

Hindi naman inatrasan ng Bise Presidente ang hamon.

“Maraming salamat general. Gustong-gusto ko ‘yan,” saad ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?