77

By

Vote counting machines, isinalang na sa ‘trusted build’

Isinailalim na sa “trusted build” ang mga vote counting machine (VCM) at ang sistema na gagamitin para sa consolidation at canvassing ng mga boto sa May 2019 mid-term elections.

Ang trusted build ayon sa website ng Commission on Elections (Comelec) ay ang proseso kung saan ang source code ay kino-convert sa machine-readable binary instruction.

Nauna nang isinailalim sa source code review ang election management system at counting and canvassing system, pati na ang sistema na nakapaloob sa optical mark reader o election machine.

Ipinaliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez na mahalaga ang nasabing proseso sa pagtiyak sa kredibilidad ng automated election system dahil masusuri na ang lahat ng bahagi ng sistema ay nabusisi at walang depekto o problema.

Ang proseso ng trusted build ay pinangunahan ng Pro V & V, isang international software testing company, kasama ang Technical Evaluation Committee para sa automated elections.

Isinagawa ito sa punong tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?