73
Vote-buying talamak sa ilang bahagi ng Maynila
May 13, 2019 @ 14:07
By

Vote-buying talamak sa ilang bahagi ng Maynila

Sa kabila ng paalala ng Commission on Election laban sa vote buying, hindi pa rin napigil ang bilihan ng boto sa ilang bahagi ng Maynila.

Ayon sa ilang residente ng Sampaloc, Maynila binigyan sila ng tig P300 ng isang supporter ng isang kandidato sa pagka-konsehal.

Sa District 1, at 2 may nagpamigay rin ng P300 kada tao para suportahan ang kandidatura sa pagka alkalde ng Maynila.

Gayundin sa District 3 at 4 ay may nagpamigay ng tig P300.

Ang bilihan ng boto ay hindi direktang ibinibigay ng mga tumatakbong kandidato kundi sa pamamagitan ng kanilang mga pinagkakatiwalaang mga supporters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?