610

By

Vlogs ni Erwan Heussaff sa honeymoon kay Anne, nag-trending

Sharing is caring!

Usap-usapan ang mahusay na music, editing skills, narrations, camera angles, at marami pang iba sa video blogs ni Erwan Heussaff tungkol sa honeymoon nila ng kanyang misis na si Anne Curtis.

Inilabas kasi ni Erwan ang part 3 at final episode ng kanilang one-month honeymoon sa Africa ni Anne na nangyari noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa latest episode makikita ang pagtungo nila sa Tanzania at South Africa.

Tinapos nila ang paglalakbay kasama ang mga chimps at paglantak ng masarap na pagkain sa Cape Town.

Marami ang humanga sa galing ng vlogs ni Erwan dahil sa ganda ng content at cinematography nito.

“The choice of music, editing skills, narrations, camera angles, and everything. Erwan Heussaff has it all.”

“Ganda ng content and cinematography ng vlogs ni erwan heussaff guyzzz must watch.”

“Favorite part of Erwan’s latest vlog.”

“Ang ganda sa Africa at ang ganda ni Anne! At napakagaling ni Erwan!!!”

“Maka amaze ang Vlog ni Erwan about sa honeymoon nila Anne Curtis sa South Africa. Promise ko, makapunta din ako duuun! Chill ka lang.”

“Na amaze ko sa beauty sa africa after nagwatch ko og vlog ni erwan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?