69

Dec 11, 2019 @ 21:02
By

Vitug: eSports hanapbuhay na!

Pinatunayan ng Team Sibol na may ibubuga ang Philippine eSports team matapos makakuha ng tatlong gold at tig-isang silver at bronze sa katitiklop lang na 30th SEA Games Miyerkoles ng gabi.

Unang kumalawit ng gold ang Sibol Mobile Legends: Bang Bang team nang talunin ang Indonesia, 3-2, sa best-of-5 finals match Sabado ng gabi.

Sinundan naman ito ng Sibol Dota 2 team na kumuha rin ng ginto nang talunin rin sa dikdikang game 5 ang Thailand ng Arena of Valor.

Hindi rin nagpapahuli ang Sibol Starcraft 2 mula sa pangunguna ni Caviar Napoleon ‘EnDerr’ Acampado nang dominahin ang Singapore, 4-1.

Nagkasya naman ang Sibol Tekken 7 team sa silver at bronze medal mula sa effort nina Alexandre ‘AK’ Laverez at Andreij Hosea ‘Doujin’ Albar para sa huling araw ng eSports tournament.

Asam ni Mobile Legends team head coach Dale Vitug na mabago ang tingin sa eSports at kilalanin ito bilang totoong sport at hindi lamang bisyo.

“Bali ‘yung eSports po kasi ‘yung paglalaro hindi na po – hindi na po libangan eh,” pahayag ni Vitug sa ekslusibong panayam ng Abante.

“Hindi na ito ‘yung dati nating kinalakihan nating libangan. Ngayon kasi trabaho na.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?