35

Feb 7, 2020 @ 15:52
By

Visa-free entry sa Jeju Island ng mga Pinoy sinuspinde

Hindi na muna maaaring makabisita sa Jeju Island sa South Korea ang mga Pilipinong walang visa.

Ayon sa Bureau of Immigration, ipinaalam sa kanila ng Korean Embassy sa Manila ang temporary suspension ng visa-free entry para sa mga Pilipino sa nabanggit na tourist spot.

Kaya sabi ni BI port operations division chief Grifton Medina, inatasan na nila ang mga immigration officer na harangin ang mga Pilipino na patungo sa Jeju na walang visa galing ng Korean Embassy.

Nilinaw naman ni Medina na hindi lang mga Pinoy ang suspendido ang visa-free entry privileges sa Jeju kundi lahat ng dayuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?