345

Jan 14, 2020 @ 15:57
By

VIRAL: OFW humataw ng ‘Tala’ katabi ang employer

Dahil sa “Tala Dance Craze”, hindi napigilan ng isang OFW ang kanyang sarili at huminto sa pagluluto para umindak ng viral na kanta ni Sarah Geronimo kahit pa nasa tabi niya ang kanyang employer.

Agad nag-viral ang video ng “Tala Dance Challenge” ng OFW na si Nicole Broca Andres, 24, mula sa Sarangani Province.

Nagtatrabaho si Andres bilang domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia, ayon sa Expat Readers report.

Ikinatuwa naman ng mga netizen na sa dami ng report ng pagmamaltrato sa mga Pinoy worker ng kanilang amo sa ibang bansa ay sa mabuting employer bumagsak si Andres.

Mayroon na itong 1.2M views Facebook, 39K reactions at 26K shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?