1,402

By

VIRAL: Bata na ayaw tumigil sa pag-iyak dinaganan ng babae

Hina-hunting na ng mga pulis ang isang babaeng kinunan ng video ang ginawa niyang pang-aabuso sa isang bata at binahagi ito sa social media.

Makikita sa video ang babae habang nakaupo sa ulo ng batang umiiyak habang malakas ang sounds sa loob ng kuwarto.

Maririnig ang kahirapan sa paghinga ng bata dahil sa bigat ng babae.

Matapos ay nagpalit ng posisyon ang babae pero nakadagan pa rin sa bata.

Dito na halos maubo ang batang babae sa hirap sa paghabol sa kanyang paghinga dahil sa pagkakadagan sa kanya.

Iniimbestigahan na ng mga pulis sa Corpus Christi, Texas ang naturang video na binahagi ng Corpus Christi Police Department sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?