197

VIRAL: Asong si ‘Digong’ tinutulak ang amo

“Man’s best friend” talaga ang mga aso, ayon sa mga netizen na natunaw ang puso sa aso na tinutulak ang wheelchair ng kanyang amo.



Sa post ni Krizzia Aurelio, makikita ang pagtulak ng isang aso sa lalaking naka-wheelchair, sa kasagsagan ng init ng araw.

Ayon sa mga comment, nakapanayam na noong 2018 ng ABS-CBN News ang mag-amo sa Tagum City, Davao na kinilalang sina Danilo Alarcon at “Digong.”

Hindi na makalakad nang maayos si Tatay Danilo matapos masangkot sa isang motorcycle accident.

Samantala, sinunod niya ang pangalan ng kanyang aso kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hayag ni Aldian Kier Co: “we dont deserve dogs 😭.”

Bulalas ni Gertrudes Yap: “Man’s best friend si dogie!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?