50

By

Vin Diesel pinasilip ang Fast & Furious 9

Muling nasilayan si Vin Diesel sa kanyang reprised role na si Dominic Toretto para sa Fast & Furious 9.

Sa Facebook ni Vin, nagpasilip ito ng unang teaser bago ang official trailer launch sa Biyernes.

Sa nasabing teaser, makikita sina Dom at Letty, na ginanapan ni Michelle Rodriguez, na ine-enjoy ang retirement habang kasama ang anak nitong si Brian.

Sa May 22 ilalabas ang movie launch, na pagbibidahan nina Diesel, Rodriguez, Ludacris, Tyrese Gibson, Charlize Theron, Cardi B at John Cena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?