120

Villar sa namamahalan sa galunggong: Kumain na lang ng gulay!

“Kung mahal ang galunggong, e ‘di ‘wag kumain ng galunggong, ‘di ba? There are other alternatives na pwedeng gawin. Bakit ba gustung-gusto n’yo ‘yung galunggong kung mahal ang galunggong?”

Ito ang payo ni bilyonaryong Senadora Cynthia Villar ngayong Martes, Disyembre 10, 2019, nang hingan ng komento tungkol sa tumataas na presyo ng pangmasang isdang galunggong.

Ayon kay Villar, chair ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform, magbubunga lang ang mataas na demand ng galunggong sa lalong pagtaas ng presyo nito sa merkado.

“Bakit ba gustong-gusto ‘yung galunggong kung kulang ang galunggong? Eh lalong nae-encourage ‘yung price increase. Ba’t ayaw kumain ng gulay?” bulalas ng senadora sa isang panayam.

“Kanina lang nagle-lecture ako sa mga nag-aral sa aming farm school, nag-graduation, nile-lecture-an ko sila na kumain na lang kayo ng gulay. Mas healthy ‘yun,” dagdag nito.

Una nang sinaad ng Department of Agriculture na pinag-iisipan nitong mag-angkat na ng galunggong na nagmahal na ng presyo dahil kaunti ang supply.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?