38

By

Villanueva kontra sa divorce bill: Over my dead body

Inihayag ni Senador Joel Villanueva na mariin niyang tututulan ang pagtutulak ng divorce bill sa Senado.

“Divorce, over my dead body, I will oppose it. I will definitely oppose it,” pahayag ni Villanueva sa panayam ng mga reporter nitong Lunes.

Sa pagkontra sa naturang panukala, iginiit ni Villanueva na bilang Kristiyanong bansa, itinuturing umano na sagrado ang kasal dito.

“We are Christian nation. Our preamble of the Constitution states that we the sovereign people imploring the aide of the Almighty God and when we talked about imploring almighty God, who are we talking about, who’s God we are talking about,” sabi ni Villanueva.

“We have also saying that God should not put us in a box that if a relationship is not working at magiging bayolente lang ang isa, at masisira lang ang isang pamilya then dapat ang annulment pumasok into the picture,” dagdag nito.

Ayon kay Villanueva, ang problema aniya ng annulment process sa Pilipinas, bukod sa napakamahal ay mabagal pa umano ang proseso nito.

“Ang problema kasi sa ating bansa ngayon, madali for rich people na magpa-annul ng kanilang kasal pero sa mahihirap nuknukan ng tagal, nuknukan ng mahal at nagiging anti-poor,” sabi nito.

“So ang sinasabi natin gawin natin itong pantay, hindi ko sasabihing gawin nating madali. Magkaibang-magkaiba, gawin nating pantay, kasi talagang hindi naman pupuwedeng maging madali,” sambit pa senador.

Dalawang divorce bill na ang inihain sa Senado sapul nang magbukas ang 18th Congress noong Hulyo 22. Ang panukala ay inihain na nina Sens. Pia Cayetano at Risa Hontiveros.

Kumpiyansa naman si Villanueva na hindi makakalusot ang divorce bill sa Senado dahil ilan sa mga senador na nagpahayag na ng pagkontra dito ay sina Sens. Miguel Zubiri, Senadora Cynthia Villar at Senador Manny Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?