1,231

By

Video ni Drake kasama ang isang 17-year-old nag-viral

Sharing is caring!

Pumutok ang Twitter world sa video ni Canadian rapper and singer Drake na lumabas. Kasama niya rito ang isang 17-year-old na babae na kanyang hinalikan sa noo, pisngi at kanya itong niyakap mula sa likuran habang tumatama ang parte ng kamay sa dibdib ng babae.

Ibinahagi ni @thespookgod sa Twitter noong January 3 ang video ni Drake kasama ang isang 17-year-old na fan ay sa isang concert na ginanap sa Ogden Theater sa Denver, na ayon sa TMZ ay naganap ito noong May 2010 pa.

Hinalikan ni Drake ang balikat at leeg ng babae habang nasa likod ito at nakayakap. Sabay lumayo sa babae at sinabing “I get in trouble for s**t like this.” Matapos nito ay tinanong niya ang edad ng babae at nang sabihin nito na siya ay 17 years old, biglang naghiyawan ang manonood.

“I can’t go to jail yet, man,” ani Drake. “Seventeen? How do you look like that? You thick. Look at all this. I had fun, I don’t know if I should feel guilty or not, but I had fun. I like the way your breasts feel against my chest. I just want to thank you,” dagdag nito.

Kasalukuyang may 3.49 million views ang naturang tweet, may 23K retweets at may 54K likes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?