1,165

Feb 14, 2020 @ 15:57
By

Video ng binatilyong nanunog ng panindang lobo ng matanda, may 4.5M views na!

Viral ang video ng lalaking pinagtripang sunugin ang mga panindang lobo ng isang matanda sa Zamora Street, Pandacan, Manila.

Binahagi ng netizen na si Allesandra Trinidad ang video kung saan makikita na pinagtripang sinindihan ng nasa tatlong lalaki ang mga hawak na lobo ng nagpapahingang matanda matapos ay mabilis na tumakas ang mga ito.

Dahil sa nangyari, nalapnos ang braso at bahagi ng ulo ng kawawang vendor dahil nakatali ang mga lobo sa kanya.

Nangyari ang pagsunog habang pansamantalang namamahinga ang tindero.

“Mga kupal di na kayo naawa sa naghahanapbuhay para lang masabe na gangster sila mga kupal tong mga batang to pinagtripan yung matanda nagpapahinga parang walang mga tatay, grupo neto tinatawag na TLG or True Life Gangsta mga kupal,” sabi sa post ni Allesandra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?